<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d431432583147311980\x26blogName\x3drigmarole.+(my+stupid+rants)\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dTAN\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://bevs-vain.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://bevs-vain.blogspot.com/\x26vt\x3d3168232849513499936', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
bevs-vain @blogspot.com ♥
Sunday, February 8, 2009

the-one-that-got-away...
Pwedeng dati mong nakarelasyon. O fling. Pwedeng naging kaklase mo nung high school ka. O kaya kapitbahay.

Siya yung taong ngayong mas mature na ang outlook sa buhay, ngayong kahit nasa relasyon ka na at maligaya ka, siya yung isang taong naaalala mo pa rin.

At higit sa lahat, pinanghihinayangan.

Palagay ko, karamihan sa atin, merong the-one-that-got-away sa buhay niya. At lahat tayo, gusto nating magkaroon ng second chance.

Yung second chance na masabi man lang yung matagal nating kinimkim sa dibdib natin.
Gaya nung isang kakilala ko: “I love you.”

Pwede rin namang kabaligtaran.
“Hayup ka, demonyo, bottom!”
Kasi hindi lahat ng the-one-that-got-away, matinong tao. O nagpaalam man lang ng maayos.
May ilan sa atin, raise your hands kung kayo nga ito:
tayo yung the-one-that-got-away.
Tayo yung iniyakan.
Tayo yung pinanghinayangan.
Parang ang haba ng hair (or bigote) di ba?
Pero sa totoo lang, hindi dahil ikaw yung the-one-that-got-away ibig sabihin ikaw yung mas lamang.
Kasi nung lumayo ka, nasaktan ka rin naman di ba?
At minsan nga, mas malalim pa ang sugat mo kesa dun sa iniwan mo.
Minsan, ikaw pa yung may sugat na hanggang ngayon hindi naghihilom.
At 'sing dalas mo ring naiisip yung iniwan mo.


Gusto mo ring magkaroon ng second chance.
Para mag-“I love you.”
O mag-“hayup ka, demonyo, bottom!”


Dahil hindi naman lahat ng iniiwan, kawawa.


Ako siguro, at ito talaga ang matagal ko nang kinikimkim, gusto ko lang mag-‘thank you.”

Ewan ko ba.
Bata pa ako eto na ata ang bagahe ko.
Eh ang dali-dali namang mag thank you di ba?
Dalawang salita lang, kahit galing sa ilong, kahit ngongong "Wenk yu", sapat na yun.
Pero sa buhay na to, well so far sa buhay ko, ewan ko senyo, eto ang nadiskubre ko:

Madalas, yung napakasimpleng bagay pa ang ipinagkakait natin sa mga taong mahal natin. Lalo na kung gusto natin silang saktan.

“Thank you” lang, at maisasara ko na nang buong-buo ang kabanatang yun sa buhay ko.

Kaya thank you.

Thank you.

Thank you.

Kung nababasa mo man ito.

Thank you.